Abby Viduya, inamin kung ano ang dahilan ng pag-alis niya sa bansa noon

Ikinuwento ni Abby Viduya kung bakit umaalis siya ng bansa kapag may mga pinagdadaanan siya sa kaniyang personal na buhay.
Isa raw sa mga dahilan ng pag-alis ni Abby noon sa Pilipinas ay ang paghihiwalay nila ni Jomari Yllana.
Sina Abby at Jomari ay nagkabalikan pagkatapos ng 30 taon. Sila ay magkakaroon ng civil wedding bagong magtapos ang 2023. Susundan naman ito ng church wedding sa 2024.
Saad ni Abby sa Sarap, 'Di Ba? noong October 7, "What I did noong naghiwalay kami, bigla akong lumipad. I went to LA (Los Angeles).
Natatawang kuwento ni Abby, nagkita rin sila ni Jomari sa eroplano dahil papunta rin ito ng LA.
"Nagkataon, pagsakay ko ng eroplano, nandoon siya. Papuntang LA. Nagkataon sabay pa kami sa plane. Sabi ko ano ba 'to."
Itinanong naman ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel kung bakit umaalis si Abby kapag nahaharap sa pagsubok.
Sagot ni Abby, "I like leaving the country, I like to recharge. You go somewhere na you don't know anyone, you immerse yourself in that country."
Dugtong pa ni Abby, sa ganitong paraan nakakalimot siya at natututo pa siya.
"You forget your problems e. You learn something new when you're there."
Panoorin ang kanilang bukingan sa Sarap, 'Di Ba?:









