Abogado ni Rita Daniela, nagbigay ng detalye sa reklamong act of lasciviousness laban kay Archie Alemania

GMA Logo rita daniela files sexual harassment case
Photos: Rita Daniela/IG, Archie Alemania/IG

Photo Inside Page


Photos

rita daniela files sexual harassment case



Naghain ng reklamong acts of lasciviousness ang aktres at singer na si Rita Daniela laban sa aktor at komedyante na si Archie Alemania.

Nitong Miyerkules (October 30), inihain ni Rita ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City kung saan nakasaad na umano'y hinalikan at hinawakan siya sa maseselang bahagi ng aktor.

Sa ulat ng 24 Oras, nangyari raw ang insidente noong dumalo si Rita sa isang Thanksgiving party noong September. Sa event pa lang daw ay nagbibitaw na si Archie ng malalaswang salita sa kanya.

Ayon sa abogado ni Rita na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, "So doon pa lang, nao-offend na si Rita. She felt uncomfortable already but she did not confront Archie during that time kasi ang dating sa kanya baka he did not mean it, lasing lang, nagbibiro lang."

Nang pauwi na sila sa party, nag-alok si Archie na ihatid ang aktres sa bahay nila. Noong umpisa, hindi pumayag si Rita. Ngunit dahil akala nito na para niya itong kuya, pumayag din ang aktres sa huli.

Sa kanilang byahe, nilagay umano ni Archie ang kanyang kamay sa balikat ni Rita at paulit-ulit raw hinawakan ang leeg at balikat ng aktres.

"Nagsabi siya noon na, 'Kuya, huwag! Kuya kita.' So, kasi nga Rita was treating Archie as an elder brother, e," pahayag ni Atty. Marie Glen.

Nang nasa tapat na sila ng kanyang bahay, puwersahan daw siyang hinalikan sa labi ng aktor. Pilit pumiglas si Rita ngunit yinakap raw siya ng mahigpit ni Archie at saka umano'y hinawakan siya sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi rin daw napigilang maiyak si Rita nang nakalabas na siya sa sasakyan.

"She was forced and she was kissed by Archie that time. There was also touching that happend, like yung maseselang bahagi ng katawan niya, like breast was also being touched during that time," sabi ng abogado ni Rita.

Nakatanggap naman daw si Rita ng text galing kay Archie na humihingi ng tawad at nagpaliwanag na siya'y lasing noon.

"This is not easy for Rita. I mean in any woman, it's really hard for them to come out and magsabi ng ganitong mga krimen and mag-file ng ganitong nature," dagdag ni Atty. Marie Glen.

Sinisikap kunin ng GMA Integrated News ang panig ng aktor, pero sa ngayon, wala pa rin tugon ang panig ni Archie. Hindi rin nagsalita muna si Rita sa media at ang kanyang abogado at kapatid muna ang nagbigay ng pahayag.

Samantala, naglabas ng statement ang Sparkle Artist Center tungkol sa insidente:

We at Sparkle GMA Artist Center are committed to ensuring a safe and respectful environment for everyone.

Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks. We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.

We remain dedicated to supporting our artists and ensuring their well-being. We trust that this process will lead to a constructive resolution.

Thank you for your understanding and support.

#MeToo: Celebrities na biktima ng sexual harassment


Kat Alano
Yasmien Kurdi
Patrizha Martinez
Maureen Mauricio
Julia Clarete
Cherry Pie Picache
Maggie Wilson
Sunshine Cruz
Rhian Ramos
Ambra Gutierrez
Gretchen Fullido
Miss Earth 2018 candidates
Bea Rose Santiago
Lauren Young
Janina Vela 

Around GMA

Around GMA

Go: DOF to lead investment push after OSAPIEA abolition
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025