Abot-Kamay Na Pangarap: Here's how many times Reagan proved that he is Doc Analyn's knight in shining armor

Isa sa sinusubaybayan ng milyun-milyong manonood sa Abot-Kamay Na Pangarap ay ang karakter ni Jeff Moses sa serye na si Reagan.
Sa mga naunang episodes, napanood siya bilang isang mabait na janitor sa APEX Medical Hospital.
Kahit tinanggal siya ni Moira (Pinky Amador) sa ospital dahil sa pagtatanggol niya kay Doc Analyn (Jillian Ward), nanatili pa rin siyang isang mabuting kaibigan sa batang doktor at sa iba pang nagtatrabaho sa APEX.
Balikan ang ilang patunay na handang ipagtanggol ni Reagan si Analyn anumang oras sa gallery na ito.















