May bagong nagpapakilig sa pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Siya si Dr. Kim Young, ang karakter ng Korean at Sparkle actor na si Kim Ji Soo sa hit medical drama na 'Abot-Kamay Na Pangarap'.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan ang mala-knight in shining armor moves ni Dr. Kim Young para kay Dra. Analyn.
Silipin ang ilang kilig moments nila sa gallery na ito.
Ito ang unang pagtatagpo nina Dr. Kim Young (Jillian Ward) at Dra. Analyn (Dra. Analyn).
Dahil sa pagtulak ng isang batang pasyente sa batang doktor, natumba siya sa sahig at sinubukan naman siyang saluhin ng binatang doktor.
Matapos sungitan, inutusan ni Dr. Ray (Chuckie Dreyfus) si Dra. Analyn (Jillian Ward)
na makipag-shake hands sa bagong doktor sa APEX na si Dr. Kim Young (Dr. Kim Young).
Kinakikiligan sa APEX sina Dr. Kim Young (Jillian Ward) at Dra. Analyn (Dra. Analyn).
Tila kinilig din sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Madam Giselle (Dina Bonnevie) na mayroong bagong kakilalang doktor si Dra. Analyn (Jillian Ward).
Minsan nang tinulungan ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) si Dra. Analyn (Jillian Ward) tungkol sa kondisyon ni Carlos (Allen Dizon).
Sa isa sa mga eksena, sinabi ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) kay Dra. Analyn (Jillian Ward): “If you need someone to talk to, I'm always here for you.”
Isa sa mga linyahan ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) kay Dra. Analyn (Jillian Ward): “I like everything about you.”
Noong ipinadakip ni Carlos (Allen Dizon) si Dra. Analyn (Jillian Ward), to the rescue si Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) para iligtas ang batang doktor.
Kulang man sa mga kagamitan, siniguro ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) na maayos ang kalagayan ni Dra. Analyn (Jillian Ward).
Malaki ang pasasalamat nina RJ (Richard Yap) at Lyneth (Carmina Villarroel) dahil iniligtas ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) ang anak nila na si Dra. Analyn (Jillian Ward). Approved na kaya siya sa mga magulang ni Dra. Analyn?
Mapaibig kaya ni Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) si Dra. Analyn (Jillian Ward)?