Bukod sa pagsubaybay sa buhay ng mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel at Jillian Ward), patuloy ding inaabangan ng mga manonood ang mga eksena ng gwapo at hot doctors sa hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Sa naturang inspirational-medical drama series, napapanood bilang mga doktor sina Richard Yap, Andre Paras, John Vic De Guzman, Chuckie Dreyfus, at Allen Dizon.
Kilalanin pa ang mga doktor sa serye na nagpapakilig sa mga manonood tuwing hapon sa gallery na ito.
Doc RJ Tanyag (Richard Yap) at your service!
Si Doc RJ Tanyag (Richard Yap) ang tunay na ama ng pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Bago siya dalhin sa ibang bansa para ipagamot, kilala si Doc RJ Tanyag bilang medical director sa APEX na gwapo na, sobrang bait pa.
Isa sa kinakikiligan ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers ay ang hot doctor na si Doc Luke Antonio, na ginagampanan ni Andre Paras sa serye.
Naging crush noon ni Dra. Analyn (Jillian Ward) ang kapwa niya doktor sa APEX na si Doc Luke (Andre Paras).
=Si Doc Luke (Andre Paras) ay minsan nang naging sanhi ng pag-aaway nina Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).
Say Hello to Doc Ken Prado, ang role ni John Vic De Guzman sa trending na GMA medical series.
Caption ni Doc Ken (John Vic De Guzman) sa isa niyang Instagram post, “Abot-Kamay Na Pangarap' na pala? Teka, aahon na ako.”
Ang larawan na ito ni Doc Ken (John Vic De Guzman) ay nakuhanan habang nasa real-life medical mission ang cast ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Si Doc Ray Meneses (Chuckie Dreyfus) ay ang best friend ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).
Ayon sa ilan sa cast ng serye, itinuturing nila si Doc Ray (Chuckie Dreyfus) na isang TikTok King.
Isa si Doc Ray (Chuckie Dreyfus) sa mga taong tumulong kay Analyn (Jillian Ward) na makita si Doc RJ (Richard Yap) nang ma-comatose ang huli. Matatandaang pinagbawalan kasi noon nina Lolo Pepe (Leo Martinez) at Moira (Pinky Amador) na makalapit ang batang doktor sa kanyang tunay na ama.
Ang aktor na si Allen Dizon ay napapanood sa serye bilang si Doc Carlos Benitez, isa rin sa mga kaibigang doktor ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).
Hindi magpapahuli sa kagwapuhan ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi).
Patuloy na subaybayan ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' doctors!
Ang Chinito actor na si Ken Chan ay napanood din sa serye bilang isang doktor.
Nakilala si Ken Chan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang si Doc Lyndon Javier, isa sa mga naging malapit kay Analyn (Jillian Ward). Kamakailan lang, ibinalita sa serye na patay na si Doc Lyndon.
Ang new Sparkle artist na si Kim Ji Soo ang pinakabagong doktor na napapanood sa hit series. Kilala siya rito bilang si Dr. Kim Young.
Sa ilang episodes sa serye, kinakiligan ng mga manonood ang mga eksena nina Dr. Kim Young (Kim Ji Soo) at Analyn (Jillian Ward).