#AbotKamayNaPangarap: Analyn and Zoey's most talked-about sister moments

Sina Analyn at Zoey na siguro ang pinakakilalang half-sisters ngayon na patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood sa GMA Afternoon Prime.
Sa inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, ang gumaganap bilang sina Analyn at Zoey ay ang Kapuso stars na sina Jillian Ward at Kazel Kinouchi.
Si Analyn ay ang genius doctor na anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) at si Zoey naman ay ang bully doctor na anak ni Moira (Pinky Amador).
Ang chinito actor naman na si Richard Yap ang napapanood bilang ama nila sa serye na si Doc RJ Tanyag.
Kahit noong bata pa lamang sila ay hindi na gusto ni Zoey si Analyn.
Nang magkasama sila sa APEX Medical Hospital, patuloy na binu-bully ni Zoey ang batang doktor.
Kahit hindi pa nila alam na sila ay magkapatid, maihahalintulad na sila sa aso at pusa dahil sa madalas nilang pag-aaway.
Hindi man naging maayos ang kanilang samahan noon, tila gumagawa na ng paraan ang tadhana upang magkaayos ang dalawang doktor.
Silipin ang sister moments nina Analyn at Zoey sa gallery na ito.








