AC Bonifacio, nilinaw ang pagkadawit ni Michael Sager sa hiwalayan nila ni Harvey Bautista

Simula nang magsama sina AC Bonifacio at Michael Sager sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, hanggang ngayon na maging parte sila ng Born to Shine, kitang-kita ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Kaya naman, ang netizens, nagkaroon na ng mga haka-haka tungkol sa relasyon ng dalawang aktor.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes kasama ang mga miyembro ng fictional P-Pop group na NIXI na sina Chloe Redondo, Aliyah de Gracia, at Golden Canedo, tinuldukan na ni AC ang palaisipan tungkol sa totoong relasyon niya kay Michael.
“Honestly, nothing. Wala po, we're really good friends. We both found out na we're from Vancouver and you know how it's really hard to find someone na you get close with in an industry like this,” sabi ni AC.
Pagpapatuloy pa ng actress-dancer, itinuloy lang nila ni Michael ang pagkakaibigang nabuo nila sa loob ng Bahay ni Kuya off cam, at maging sa GMA Afternoon Prime musical drama series.
“Now that we're both in Born to Shine together, there is a sort of like a love triangle, selosan na nangyayari po ngayon. But we're professional, we love our craft, we love what we're doing, and we're just entertaining,” sabi ni AC.
Pero paglilinaw ng aktres, “Si Zeph (Zephanie) ang nagseselos. Sa show ha! Si Jeni ang nagseselos kay Kendall.”
Nilinaw din ni AC na walang kinalaman ang Kapuso actor sa hiwalayan nila ng dating boyfriend na si Harvey Bautista
Ani AC, “He (Michael) was probably in a conversation one time during our two years and that was it, never again.”
April 2025 nang kumpirmahin nina AC at Harvey ang kanilang relasyon. Sa katunayan, naging masugid na tagasuporta pa ng actress-dancer ang dating boyfriend noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.
Ngunit taong 2026, kinumpirma ni AC na hiwalay na sila ni Harvey sa episode ng “Painfully Human Podcast”. Pagbabahagi ng aktres sa naturang podcast episode, mahirap at emosyonal ang naging hiwalayan nila, at sinabing pinutol na niya ang komunikasyon nila ng dating nobyo.
Panoorin ang panayam kay AC dito:
RELATED CONTENT: Check out some of AC's trendiest looks in this gallery:

















