Acting 101 with Eugene Domingo on 'Fast Talk with Boy Abunda'

Tila isang roller-coaster ride ang naging episode ng Fast Talk with Boy Abunda kamakailan kasama ang award-winning actress na si Eugene Domingo.
Sa pagbisita ni Eugene sa naturang programa, hindi lamang masayang panayam sa TV host na si Boy Abunda ang napanood ng mga Kapuso kung 'di ang kaniyang on-the-spot acting workshop.
Dahil sa kaniyang pagiging versatile actress sa teatro, telebisyon, at pelikula, tinanong ni Boy si Eugene kung ano ang pinagkaiba ng acting sa tatlong platforms.
Balikan ang kanilang naging acting 101 sa gallery na ito:






