
Isang pambirang sakripisyo ang iaalay ng isang anak sa kanyang inang may sakit sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Hubad na Anak," kuwento ito ni Junjun na papasok sa mundo ng pornography para matustusan ang cancer treatment ng ina.
Pangarap maging flight attendant ni Junjun pero isasantabi muna niya ito matapos mamatay ang kaniyang ama at makulong ang kaniyang kapatid.
Mas kakapusin pa sa pera si Junjun nang ma-diagnose ng colon cancer ang nanay niyang si Shiela.
Para may maipangtustos sa pagpapagamot ng ina, magiging adult video performer si Junjun.
Ano ang magiging bunga ng sakripisyo ni Junjun? Matatanggap kaya ito ng kaniyang pamilya?
Abangan ang brand-new episode na "Hubad na Anak," April 6, 8:00 p.m. sa #MPK.
Please link once available
May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






