Ahron Villena at Luke Conde, kibit balikat sa mga tsismis tungkol sa kanilang sexuality

Sumalang sa Fast Talk With Boy Abunda (www.gmanetwork.com/fastttalkwithboyabunda) ang sexy actors ng Sparkle GMA Artist Center na sina Ahron Villena at Luke Conde para makipag-usap sa nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda.
Sinimulan ni Ahron ang panayam nang sabihin niyang gusto niyang makilala bilang aktor at hindi lang dahil sa ganda ng kanyang katawan.
Sinegundahan ito ni Luke at sinabing minsan ang tingin sa kanila ng mga tao ay walang alam dahil nagpapa-sexy sila sa kanilang ginagawa.
Sa parehong panayam, pinagusapan rin nina Ahron, Luke, at Tito Boy ang kinasangkutang kontroberya ng dalawa.
Balikan ang kanilang mga napagusapan sa Fast Talk with Boy Abunda sa mga larawang ito.









