Ahtisa Manalo, binalikan ang mga kontrobersiya ng Miss Universe 2025

Maituturing na pinaka kontrobersiyal na bersyon ng pageant ang Miss Universe 2025 dahil sa iba't ibang isyu na hinarap nito. Kaya naman, sa pagbisita ng 3rd runner up na si Ahtisa Manalo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, binalikan niya ang naging karanasan sa naturang patimpalak.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, nilinaw ni Ahtisa na hindi siya nadismaya sa naturang patimpalak dahil nakatuon lang naman ang pansin niya sa kaniyang goal, ang manalo sa Miss Universe 2025.
“Frankly, everything else around me, I didn't really care that much for whatever was happening around me in the sense na ang goal ko maging Miss Universe 2025 and there will always be drama wherever you are in life. So sa akin, focus lang ako, whatever's happening around me, it's okay,” sabi ni Ahtisa.
Sa kaniyang panayam ay binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang mga isyu na umikot sa naturang pageant. Tingnan ang pagbabalik tanaw ni Ahtisa sa gallery na ito:









