Encantadia Chronicles: Sang'gre
Ahtisa Manalo sa reaksyon ni Gargan sa pagdating ni Haliya: 'Ako lang 'to, Gargan!'

Napanood na si Miss Universe Philippines 2025 at Miss Universe third runner-up Ma. Ahtisa Manalo bilang Bathalumang Haliya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Lunes, April 7.
Unang scene pa lamang ay talaga namang litaw na litaw ang ganda ni Ahtisa sa kanyang goddess costume. Sa nasabing eksena ay dumating si Haliya sa gitna ng laban ng mga bathaluman at bathala kay Gargan, na ginagampanan ni Tom Rodriguez.
Sa pagdating ni Haliya, kapansin-pansin ang pagtitig sa kanya ni Gargan.
Kaya naman pabirong reaksyon dito ni Ahtisa: "Ako lang 'to, Gargan!"
Maging ang netizens ay aliw sa pagkikitang ito nina Haliya at Gargan. Basahin dito ang ilan sa kanilang mga nakatutuwang reaksyon.




