Ai Ai Delas Alas, nakuha na ang kaniyang biggest life achievement

Para sa isa sa mga iconic comedienne sa bansa na si Ai Ai Delas Alas, ang kanyang biggest achievement sa buhay ang kanyang pagiging mabuting ina at asawa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, March 25, muling sumalang sa isang interview si Ai Ai kasama ang kanyang kaibigan at batikang TV host na si Boy Abunda.
Dito ay ikinuwento ni Ai Ai ang kanyang kasalukuyang buhay sa Amerika kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan at ilan sa kanyang mga anak.
Bukod dito, naging emosyonal din si Ai Ai nang mapag-usapan nila ni Boy ang mga pinagdaanan niya sa buhay - ang failed relationships, challenging career, at ang pagiging tanging ina.









