Aiai delas Alas at Gerald Sibayan, kumpirmadong hiwalay na

GMA Logo Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan 10th anniversary

Photo Inside Page


Photos

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan 10th anniversary



"Oo, hiwalay na kami."

Ito ang pag-amin ni Aiai Delas Alas tungkol sa relasyon nila ngayon ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, November 11, unang tinanong ni Boy Abunda si Aiai kung kumusta ang kanyang puso.

Sagot niya, "Yun na nga, ama, fighting! Lumalaban and super nagdarasal, and kinakaya ang mag pagsubok."

Matapos amining hiwalay na sila ni Gerald, sandaling huminto si Aiai para pigilin ang pagluha at sinabi sa sarili, "Kaya ko 'to."

Kasunod nito, idinetalye niya, "Last month pa, basta, hindi ko makakalimutan, October 14, nag-chat siya, madaling araw na dito sa Pilipinas. Nag-chat siya na yun nga, gusto na niyang magkaanak and hindi na siya happy. Medyo confused ako and shocked. Bakit ngayong oras na 'to? Bakit.. Sana hintayin mo muna akong makauwi sa Amerika? Maraming bakit. Na-confuse ako na... In fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.

"Actually, sa buong pagsasama namin, bilang sa daliri yung... discussion nga, e, hindi nga yung away, e. So, parang nagulat nga ako na why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na 'to and bakit madaling araw dito? Siyempre, ang hirap magbasa. Siyempre, bukod sa shocking, hindi mo naman makikita yun kasi, siyempre, tulog ka pa, 'May sasabihin ako sa 'yo,' blah-blah."

Sa parte raw ni Aiai, nang makita ang message ng asawa, "Sumasagot ako. Bukod sa initial reaction ko na parang okay na sa akin. 'Tapos noong nag-sink in na sa akin, noong umaga na, siyempre, ang initial reaction ng asawa, natural yun na, siyempre, nagalit ka. Nagalit muna ako. Ayun, sini-sink in ko muna ang lahat na parang, 'Ano ba 'tong nangyayari? Ito na ba yun?'"

Inamin ni Aiai na nang magpakasal sila ni Gerald, inihanda niya ang sarili sa ganitong sitwasyon. Ngunit sa kabila nito, tila hindi pa rin maiiwasang makaramdam ng sakit si Aiai.

Kuwento niya, "Actually, noong nagpakasal naman talaga ako kay Gerald, nire-ready ko naman ang sarili ko sa ganitong magiging stiwasyon. Kasi, alam ko na bata pa si Gerald, baka magbago pa ang isip. Pero alam mo yung, sana huwag, sana may totoong may forever. Sana binigyan talaga ako ni Lord ng pagkakataong magkaroon ng magandang pag-aasawa, matagal, yung ganun. So, nagulat ako na, 'Ah, ngayon na pala yun.' Akala ko mga 'pag 35 na siya ganun."

RELATED CONTENT: Gerald Sibayan, nakipaghiwalay kay Aiai Delas Alas sa chat; gusto nang
magkaanak

Noong April nagdiwang ng 10th anniversary sina Aiai at Gerald. Balikan dito:


Ai Ai Delas Alas and Gerald Sibayan
10th anniversary
Thankful
Love
Marriage
First date
Pagpayag sa first date
Soya milk at cheesecake
Courting
30-year-age gap
San Francisco
Tatlong anak
Greatest achievement
Relationship goals
Congratulations

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ