Aiai delas Alas, hindi ipapa-revoke ang 'green card' ni Gerald Sibayan

Kahit hiwalay na ay itinanggi ni Comedy Concert Queen Aiai delas Alas na ipapa-revoke niya ang mga papeles ng dating asawa niyang si Gerald Sibayan para maging isang American Citizen.
Matatandaan na noong 2015 pa lang ay active green card holder o permanent resident na sa Amerika si Aiai.
Matapos kumpirmahin ni Aiai na hiwalay na sila ni Gerald sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 11, ay tinanong siya ng batikang host na si Boy Abunda kung ano na ang mangyayari sa kanilang status sa Amerika.
Ani Aiai, “Ako, Ama, green card holder ako, and then pinetition ko siya (Gerald) as husband,so approved na 'yun, naghihintay na lang siya ng green card niya.”
Nang banggitin ng King of Talk ang mga espekulasyon ng netizens na ipapa-revoke niya umano ang mga papeles ni Gerlad matapos ang kanilang hiwalayan, sinabi ni Aiai na kahit na sa una ay nagalit siya, hindi niya gagawin 'yun sa dating asawa.
“Siyempre, 'pag initial, buwisit ka, kung ano-ano ang nasasabi mo. Pero hindi ko naman gagawin 'yun. Siyempre,husband ko pa rin siya and parang help ko na 'yun sa kaniya para magkaroon siya ng legal status sa America,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG SHOWBIZ PARA S BUHAY SA IBANG BANSA SA GALLERY NA ITO:
Kinumpirma rin ni Aiai na may prenuptial agreement sila ni Gerald bago pa man sila ikasal.
Samantala, pinansin rin ni Boy ang pananahimik ni Aiai sa social media at sa interviews tungkol sa naging hiwalayan nila ni Gerald. Paliwanag ng aktres, ayaw na umano niyang magkalat at hangga't maaari, mas pipiliin niyang manahimik na lang.
Ngunit pag-amin ni Aiai, “Nahirapan akong itago and I owe it to the public din naman kasi eversince naman nag-start ako ng showbusiness, open book naman ako sa kanila.”
Kuwento pa ng actress-comedienne, lalo siyang nahihirapan itago tuwing may nagtatanong sa kaniya ng sitwasyon nila ngayon ni Gerlad. Aniya, madalas ay kung ano-ano na lang ang sinasabi niyang dahilan kung bakit tahimik ang kaniyang social media accounts ukol dito.
“Alam mo 'yun, ang hirap magsinungaling. I think truth is easier so at least ngayon parang freedom. Kasi Ama, nag-pray talaga ako, sabi ko, 'Lord, baguin mo 'ko, bigyan mo 'ko ng bagong puso. A peasceful heart, a joyful heart, a healing heart, atsaka 'yung pagpapatawad,'” pagbabahagi ni Aiai.
Pagpapatuloy niya, “Kasi konti na lang ilalagi ko sa mundo e, 30 na'ko to the power of two, parang gusto ko naman na mag-leave naman ako ng legacy ko na 'Ay si Aiai, iba na siya ngayon. Tahimik na siya, hindi na siya maingay, hindi na siya magulo. Kahit ano'ng nangyari sa kaniya, she's always thankful and positive.'”
Panoorin ang buong episode ng Fast Talk with Boy Abunda dito:
Samantala tingnan ang ilang celebrity couples na may prenup agreement dito:











