Aiai Delas Alas, interesadong mabawi ang Urian Award ni Jiro Manio

GMA Logo aiai delas alas children in showbiz

Photo Inside Page


Photos

aiai delas alas children in showbiz



Naniniwala si Aiai Delas Alas na “triumphant” siya ngayong taong 2024 dahil ipinanganak siya sa Year of the Wood Dragon.

Kaya naman kahit nakabase siya ngayong sa Amerika, sabi ng Comedy Queen na si Aiai, gagawa siya ng paraan para magpatuloy sa trabaho niya bilang artista rito sa Pilipinas.

“Kapag gusto mo naman, may paraan, e. So, magpapaalam ako sa lawyer ko na, 'Kailangan ko 'tong gawin, attorney, kasi triumphant ako this year,” sabi ni Aiai na may halong biro nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang piling entertainment media kamakailan.

Bukod sa pagbabalik ng The Clash, tinanong ng GMANetwork.com kung ano pang mga proyekto ang gusto sana niyang gawin.

Sagot ni Aiai, “Gusto ko sanang gumawa ng Ang Tanging Ina: The Reunion.”

At dahil mas maluwag na ngayon ang TV networks pagdating sa collaborations, umaasa si Aiai na makasama ang ilang artista sa pelikulang ito kung sakaling matuloy.

Siyempre, ang isa sa mga gusto niyang makasama rito ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista, na gumanap bilang isa sa 12 niyang anak sa pelikula.

“Si Heart Evangelista kasi anak ko siya, number four ko siya, di ba?” sabi ni Aiai.

Bukod kay Heart, dagdag niya, “Sana makasama ko pa rin si Jiro [Manio].”

Matatandaan na isa ang batikang actress sa mga naunang tumulong sa dating child star para sa rehabilitation niya.

Ano kaya ang masasabi ni Aiai sa kalagayan ngayon ni Jiro?

“Sa totoo lang, happy ako sa kanya kasi parang okay siya ngayon. Pero siyempre, hindi naman ako na binenta niya ang Urian [award] niya. Pero siya, iba kasi yung noon, e. Ngayon, okay siya, tama ang pag-iisip niya, tama ang mga sinasabi niya sa mga interbyu. Happy ako na parang nakaka-recover na siya.”

Kamakailan lang ay naging laman ng entertainment news si Jiro dahil sa pagbebenta niya ng kanyang Gawad Urian Award sa collector na si Boss Toyo.

Tungkol dito, sabi ni Aiai sa huli, "Sana ma-recover ko yung Urian niya."

Samantala, tingnan dito ang ilang pa sa mga naging anak-anakan ni Aiai sa showbiz:


Alden Richards
Marvin Agustin
Nikki Valdez
Heart Evangelista
Carlo Aquino
Alwyn Uytingco
Serena Dalrymple
Shaina Magdayao
Ruru Madrid
Jiro Manio
Anne Curtis
Shayne Sava

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit