Relationship

Aiai Delas Alas is now officially divorced from Gerald Sibayan

GMA Logo aiai delas alas and gerald sibayan
Source: msaiaidelasalas (IG)

Photo Inside Page


Photos

aiai delas alas and gerald sibayan



Officially single na ulit si Aiai Delas Alas matapos niyang ianunsyo na legal nang napawalang bisa ang kasal nila ng dati niyang asawa na si Gerald Sibayan.

"Re starting my life ... reboot ..Opisyal na akong single.", sulat ni Aiai sa kanyang Instagram post ngayong Martes, March 10.

Ayon sa report ng PEP.ph, natanggap na ng aktres noong Marso 9, 2026 ang kopya ng desisyon ng Superior Court of California, County of San Joaquin, tungkol sa diborsyo na inihain niya noong Marso 2025.

Sa ngayon, moving on na si Aiai matapos ang pitong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Hiwalay na sila ni Gerald noon pang October 2024.

Patuloy ni Aiai, "Isang bagong simula, isang mas mabuting ako ang hinaharap..

"To God be all the glory and honor .....masaya ako kasi single na 'ko. Malungkot ako kasi bumitaw ako sa pangako sa harap ng Panginoon. Wala na kasi akong kakapitan kasi bumitaw na yung isa.. sorry po Lord bumitaw ako sa sinumpaan ko".


Inihayag ni Aiai na binawi niya ang Petition for Alien Relative na dati niyang inihain para kay Gerald sa U.S. Citizenship and Immigration Services.

Ang paghahain niya ng diborsyo ay bahagi rin ng kanyang hakbang upang mapawalang-bisa ang green card ni Gerald. Ayon sa aktres, nadiskubre niya ang pagkakaroon ng third party sa kanilang relasyon, na isa sa mga dahilan ng kanyang desisyon.

Samantala, silipin sa gallery na ito ang mga Filipino celebrities na naghiwalay na noong 2025.


Barbie Forteza and Jak Roberto
Exceptional
Catriona Gray and Sam Milby 
Rumors
Jeraldine and Josh Blackman
Family
Kris Aquino and Mike Padlan
Apology
Mikee Quintos and Paul Salas
Reason 
Kyline Alcantara and Kobe Paras
Peace
Klea Pineda and Katrice Kierulf
Cheating
Heaven Peralejo and Marco Gallo
Gratitude
Elisse Joson and McCoy de Leon
Blessing
Lars Pacheco and Clyde Vivas
Heartbreak
Julia Barretto and Gerald Anderson
Baseless speculations
Alexa Miro
Third party

Around GMA

Around GMA

Tanker truck mishap causes gas leak, injures two in Sarangani
Sandiganbayan denies bail bids of Zaldy Co’s co-accused in flood control mess case
The March edit: exclusive sales, Filipino arts, and a new lightweight running shoe