Aiai delas Alas, napatawad na ang dating asawa na si Gerald Sibayan; hindi pa handang umibig muli

Lubos mang nasaktan si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa hiwalayan nila ng dating asawang si Gerald Sibayan, sinabi ng komedyanteng napatawad na niya ito, at maging ang dalawa pa niyang ex-husbands.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, February 12, inamin ni Aiai na simula nang magkahiwalay sila ni Gerald ay hindi na sila nagkita pang muli.
“I think siguro God's will muna na hindi kami [magkita]. Pero alam mo, nakakatawa, ama, kahit yung second ex-husband ko, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon, yung walang kasalubong. Although taga-Pilipinas yun, minsan nasa Amerika kasi US citizen din yun, wala. Weird, 'no?” sabi ni Aiai.
Ngunit ang unang asawa niyang si Miguel Vera, nakikita niya at sa katunayan, magkaibigan sila.
Tingnan ang buong kwento ni Aiai dito:









