advertisement
TV

Aiai Delas Alas, nasaktan sa pag-alalang nakasama ang biological mother noong hindi na siya makilala

1 of 15

Aiai Delas Alas

Sa finale episode ng unang season ng My Mother, My Story, tampok ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Boy Abunda at ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas.

2 of 15

Mothers

Sa kanyang panayam kasama si Boy Abunda, ikinuwento ni Aiai Delas Alas ang kanyang madamdaming istorya tungkol sa kanyang dalawang ina--ang kanyang biological mother na si Gloria Hernandez at ang kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas.

3 of 15

Justa Delas Alas

Naging adoptive mother ni Aiai Delas Alas ang kapatid ng kanyang ama na si Justa Delas Alas. Kuwento ni Aiai, nais ni Justa na magkaroon ng sariling anak kahit siya'y matandang dalaga. Nang nalaman nito na babae si Aiai, hinikayat niya ang ama na ibigay na lang sa kanya ang sanggol. Sa umpisa, hindi pumayag ang biological mother na si Gloria Hernandez, ngunit sa huli, nagkaayos na lang ang dalawa at pumayag sa kahilingan ni Justa. Ibinanggit din ni Aiai na humingi ng tawad noon si Gloria sa kanya at ipinaliwanag ang buong istorya tungkol sa pag-ampon sa kanya.

advertisement
4 of 15

Orphan

Hindi raw nahirapan si Aiai Delas Alas na tanggapin ang balita na siya'y inampon lamang ng kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas. Nalaman niya ang totoo noong kwinestyon siya ng mga kasamahan ni Justa kung paano niya naging nanay ito kahit wala itong asawa. Bilang bata, nagtaka rin si Aiai at tinanong din kaagad ito sa kanyang ina, na umamin na inampon siya. Kahit tanggap niya ang totoo at mahal niya si Justa, minsan nasasaktan pa rin si Aiai sa katotohanan sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang adoptive mother. "Parang tanggap ko naman (na ampon ako) kaya lang hindi ko matanggap 'pag 'yung pinapagalitan niya ako at tsaka iyon nga 'yung pinapalo niya ako, 'pag sinasaktan niya ako. Parating sa back ng mind ko, 'Siguro kung nasa nanay ko ako, hindi ako papaluin,' " kuwento niya.

5 of 15

Strict

Kuwento ni Aiai Delas Alas na strikto ang kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas. Masama rin magalit ito dahil masakit magbitaw ng mga salita at malakas din pumalo kay Aiai. Minsan nga raw, nasuntok ang comedienne sa ulo dahil akala ni Justa na nagsinungaling si Aiai para lang makatakas sa eskwelahan. Sa kabila ng lahat, mapagmahal pa rin na ina raw si Justa at ang love language nito ay pagbibigay ng mga regalo.

6 of 15

Communication

Kahit striktong ina si Aiai Delas Alas sa kanyang mga anak, sinisiguro pa rin niya na maayos ang komunikasyon ng pamilya araw-araw. Sa tuwing nag-aaway sila, humihingi ng patawad kaagad ang Kapuso star sa kanila at pinapaliwanag niya ang rason ng kanyang galit at aksyon. Alam daw kasi ni Aiai ang hirap ng isang anak kung hindi nakakapag-usap ito sa kanyang ina dahil sa takot.

advertisement
7 of 15

Love life

Natawa na lang si Boy Abunda sa ibinunyag ni Aiai Delas Alas tungkol sa reaksyon ng kanyang mga anak sa kanyang love life. Ayon kay Aiai, very open silang pamilya tungkol sa usapang pag-ibig, na pati ang partners ng kanyang mga anak ay alam ni Aiai. Kabisado rin ng kanyang mga anak ang signs niya kung meron ba siya kikitain na lalaki. Ayon daw sa kanila, sa tuwing may red lipstick ang Comedy Queen, ibig sabihin may date raw ito.

8 of 15

Heartbreak

Nadurog daw ang puso ng Kapuso star na si Aiai Delas Alas na makitang umiiyak noon ang kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas. Unang beses daw niya nakitang labis umiyak ito dahil sa naranasan niya noon sa kanyang ex-husband na si Jed Salang. Kuwento ni Aiai, "Niyakap niya ako (tapos) sabi niya, 'Kawawa naman ang anak ko.' Pero alam mo noong niyakap ako, iyak siya ng iyak." Inamin ni Aiai na siya'y galit noon sa kanyang ina dahil umano kasalanan daw nito ang nangyayari sa kanyang buhay. Kung hindi sana strikto ang kanyang ina, baka pa mas naging maingat si Aiai na pumasok sa relasyon.

9 of 15

Biological mother

Binalikan din ni Aiai Delas Alas ang kanyang mga huling sandali kasama ang kanyang biological mother na si Gloria Hernandez. Kuwento ng Kapuso comedienne, dinadalaw na niya noon ang kanyang ina sa kanilang bahay hanggang sa nagdesisyon si Aiai na kunin na lang siya at tumira sa kanyang tahanan. Naging madamdamin ang kuwento ni Aiai nang inamin niyang nasaktan siya na maalala na naging magkasama lang sila ng kanyang ina kung kailan hindi na siya maalala nito dahil sa Alzheimer's disease. "Sana kilala niya ako para 'yung mga pagmamahal and 'yung mga pagka-spoil ko sa kaniya, mas na-appreciate niya," sabi ni Aiai.

advertisement
10 of 15

Andrei

Isa si Aiai Delas Alas sa mga artista na kilalang nag-ampon ng bata sa kanyang pamilya. Kuwento ng Comedy Queen, hindi niya talaga plano na ampunin si Andre. Ngunit naramdaman niya kung paano siya ginabay ng tadhana para magkaroon ulit ng baby. Ibinahagi rin ni Aiai kung paano niya inamin kay Andre na siya'y inampon. Laking ginhawa raw para sa kanya na maayos na tinanggap ng kanilang bunso ang katotohanan at nakita rin daw niya na mas naliwanagan ito sa nararamdaman niyang pagkakaiba sa kanyang mga kapatid.

11 of 15

Surprise

Laking tuwa at gulat ni Aiai Delas Alas na makita ang kanyang panganay na anak na si Sancho Vito sa set. Ngunit naging emosyonal naman ito nang bumisita rin ang dating aktor na si Jiro Manio. Espesyal ang naging reunion nila dahil ito ang kauna-unahang pagkikita nila muli sa loob ng ilang taon.

12 of 15

Jiro Manio

Mas lalong naging emosyonal si Aiai Delas Alas nang naghandog ng mensahe si Jiro Manio para sa kanya. "Nakaka-touch kasi ngayon lang po talaga kami (ni Aiai) nagkita ulit. Sa kabila po ng mga tulong na ibinigay sa akin, pag-alala, 'yung mga hindi ko malilimutan na mga pinagsamahan natin noon, kumbaga mas pinili ko pong magbago hindi lang para sa sarili, para din po sa mga naging inspirasyon ko po tulad po ni Mommy Ai," sabi niya.

advertisement
13 of 15

Sancho Vito

Bumati rin si Sancho Vito sa kanyang ina na si Aiai Delas Alas. Kinilig ang comedienne nang sinabi ni Sancho, " Gusto ko lang magpasalamat sa guidance, sa pagmamahal, sa lahat kung paano mo kami pinalaki. Alam kong malayo na 'yung narating mo and 'di ka parin tumitigil sa takbo ng karerang ito kasi alam kong mahal na mahal mo 'yung work mo, kung paano mo kami minahal bilang mga anak, ganon din tine-take 'yung trabaho na ito. I wish you good health, para marami pang trabaho tsaka stay strong. I love you, always."

14 of 15

Message

Masayang nagpasalamat si Aiai Delas Alas sa kanyang dalawang anak - ang kanyang panganay na si Sancho Vito at ang kanyang inaanak-anakan na si Jiro Manio. Habang nagiging emosyonal sa kanilang pagkikita, niyakap ng Kapuso star ang dalawa ng mahigpit.

15 of 15

Emotional

Nagwakas ang episode ng programa habang ang lahat, pati na si Boy Abunda mismo, ay naging emosyonal sa kanilang pagkikita. Masaya rin sila nag-picture magkasama at nakapag-usap ng matagal off camera.

advertisement

Around GMA