Aira Bermudez at Sugar Mercado, aminadong nahihipuan ng fans noon

Tuwing lalabas at aalis ng stage ang Sexbomb Girls, makikita ng mga tao na laging magkakayakap ang mga miyembro nitong kinabilangan nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Sugar Mercado, at marami pang iba.
Sa guest apperance nina Aira at Sugar sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' kinuwento nilang may mga pagkakataong nahihipuan na sila ng ibang fans noon.
"Kasi, 'yung ibang fans namin, dahil mabait kami sa fans namin, tini-treat namin sila na parang pamilya at friends namin. 'Yung iba sa kanila, nag-take advantage. 'Tapos, 'yung iba naman, nangyayari sa situation na may performance kami, umaabot na sa hipuan," kuwento ni Aira.
Dagdag ni Sugar, "Kaya, Tito Boy, ang ginagawa namin, isa-isa, pila-pila kami, magkakayakap, hawak namin yung mga bahagi ng katawan namin, papasok at papalabas [ng stage]."
Ngayon, "happy at contented" na sina Aira at Sugar sa kanilang buhay. Si Aira ay kasalukuyang nakatira na sa Adelaide, Australia, kasama ang kanyang asawa;samantalang si Sugar naman ay patuloy na ginagabayan ang dalawang anak.
Balikan kung anu-ano ang kanilang napagusapan sa 'Fast Talk with Boy Abunda' sa mga larawang ito.











