advertisement
TV

Aira Bermudez at Sugar Mercado, aminadong nahihipuan ng fans noon

1 of 12

Aira Bermudez at Sugar Mercado

Masaya ang episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda' dahil ang guest nito ay ang dating miyembro ng SexBomb Girls na sina Aira Bermudez at Sugar Mercado.

2 of 12

Happy and contented

"Happy at contented." Ganito ilarawan nina Aira at Sugar ang kanilang buhay ngayon, ilang taon mula nang pumutok ang kanilang pangalan bilang miyembro ng SexBomb Girls.

3 of 12

Wild Encounters

Inamin nina Aira at Sugar na maraming fans nila ang hinihipuan sila tuwing nagpe-perform sila noon. Kuwento ni Sugar, "Kaya, Tito Boy, ang ginagawa namin, pila-pila po kami, magkakayakap, hawak namin 'yung mga bahagi ng katawan namin."

advertisement
4 of 12

Departure from Eat Bulaga

Ilang taon na ang nakakalipas, biglang nagkaroon ng issue ang SexBomb nang maging paborito umano ng TV hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon si Sugar. "Ganun naman po, 'di ba? 'Pag may sumisikat naman po, napapansin [kasi] nakakatulong sa show. Pero lahat naman po, may kanya-kanya po talagang panahon," paliwanag ni Sugar.

5 of 12

Sugar's side

Nilinaw rin ni Aira na hindi sila ang may kasalanan kung bakit nawala ang Sexbomb Girls sa 'Eat Bulaga.'

6 of 12

Solid

Nagkaroon man sila ng kontrobersya noon, solid pa rin ang pagkakaibigan nina Aira, Sugar, at dating miyembro ng SexBomb Girls.

advertisement
7 of 12

Adelaide, Australia

Ngayon, sa Adelaide, Australia, na nakatira si Aira kasama ang kanyang partner na Australian citizen. "So, nag-decide na ako na kahit anong peak ng career ko dito, kung malayo ako sa mahal ko sa buhay, mas pipiliin ko na lang na kasama mo siya," saad ni Aira.

8 of 12

Single by choice

Eight years nang single by choice si Sugar matapos ang nangyari sa kanila ng kanyang ex-husband. Ngayon, focus si Sugar sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

9 of 12

Aira's mother

Umuwi ng Pilipinas si Aira dahil sa pagpanaw ng kanyang ina noong September 8, dalawang araw matapos ang kanyang kaarawan. "Birthday ko nung na-ICU siya kaya sobrang nag-struggle ako that day," pag-amin ni Aira.

advertisement
10 of 12

Sugar's lowest point

Marami pinagdaanan si Sugar pero para sa kanya, ang "lowest point" ng kanyang buhay ay nang hindi niya nagawang magkaroon ng kumpletong pamilya. "Wala naman sa atin na gusto na watak-watak 'yung family, pero naintindihan ko si Lord why, para maging strong ako para sa mga anak ko," kuwento ni Sugar.

11 of 12

Love Advice

Kung may maibibigay si Sugar na payo sa kanyang mga anak, "Kung magmamahal kayo, wag niyo gawing mundo."

12 of 12

Izzy Trazona-Aragon

Naiintindihan nina Aira at Sugar kung saan nanggagaling ang kanilang kaibigan na si Izzy Trazona-Aragon, na mayroong hindi pagkakasundo sa kanyang anak na si Andrei Trazona. Kamakailan ay opisyal na nagpakilala si Andrei bilang drag queen na si Sofia. Para kina Aira at Sugar, sana ay pinag-usapan na lang nina Izzy at Andrei kung ano ang kanilang problema imbis na inilabas pa ito sa social media.

advertisement

Around GMA