AJ Raval graduates from high school through ALS

Pinatunayan ng aktres na si AJ Raval na hindi hadlang ang edad para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral!
Sa social media, ibinahagi ni AJ ang kanyang bagong achievement.
Kahapon (July 21), nagtapos na si AJ ng senior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System sa San Fernando, Pampanga Division sa edad na 22.
Nag-post si AJ sa kanyang Instagram account ng kanyang mga larawan habang suot ang kanyang toga.
Idinaan naman ng sexy star ang kanyang pasasalamat para sa kanyang guro at pagbati sa kanyang kapwa mag-aaral sa caption ng naturang post.
Aniya, "Congratulations po sa ating lahat ALS Learners. Sa aking guro na si Sir Jay Gopez, maraming salamat po sa pag titiyaga saamin hanggang dulo at sa pamunuan po ng ALS SAN FERNANDO PAMPANGA DIVISION. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG ADBOKASIYA AT MABUHAY PO KAYO."
Samantala, pinaulanan naman ng kanyang fans ng congratulatory messages ang comments section ng kanyang post.
SILIPIN ANG GRADUATION PHOTOS NG IBANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:














































































































