Your Honor

AJ Raval, pangarap magkaroon ng 12 na anak

Source: Your Honor

Photo Inside Page


Photos

Celebrities na may lima o higit pang anak



Aminado si AJ Raval na handa siya magkaroon ng malaking pamilya, basta kaya niya itong suportahan.

Sa guest appearance niya sa Your Honor nitong March 7, ibinahagi ng 25-year-old mom and actress kina Chariz Solomon at Buboy Villar kung bakit dream niya ang maraming anak.

“Dati nung iniisip ko, kung marami lang talaga akong pera 'yung pinakamadami na kaya ko," ani AJ.

Tinanong ni Chariz kung ilan ang naiisip niyang anak noon.

Sagot nii AJ, na gusto niya ng isang dosenang anak, “Saya nun, 'di ba? Ano bang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera.”

Biro ni Chariz, “Bigay mo sa akin [laughs]."

Kaugnay nito, naikuwento rin ni AJ ang kakaiba niyang sagot nang tanungin siya noon ng: "Five years from now ano ang nakikita mo sarili mo?”

“Sagot ko, nahiya pa nga ako. Sagot ko nuon, sabi ko [gusto ko] ng farm, tahimik, maraming anak.”

Pagdating naman sa parenting style' nila ng partner niyang si Aljur Abrenica, inilarawan ito ni AJ na tradisyonal.

Aniya, “Hindi ko masabing gentle parenting, e. Mas ano kami 'yung kung paano magdisiplina 'yung parents natin dati.

“Kunwari kagabi... Hyper kasi 'yung anak kong babae. May nakatabi ng hanger sa kaniya, ganun, para hindi na siya tayo nang tayo. Kasi, papatulugin ko apat 'tapos, isa tatayo. Tatayo na lahat 'yun, maglalaro na lahat.”

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa You Honor video sa itaas.

Samantala, tingnan ang celebrities na may lima o higit pang anak dito:


Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto
Vic Sotto
Ramon Revilla, Sr.
Bong Revilla
Dolphy
Eddie Gutierrez
Gardo Versoza
Jeric Raval
Robin Padilla
Cesar Montano
Christopher de Leon
Joseph Estrada
Jay Manalo
Joey Marquez
Lou Salvador

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 9, 2026
Bulaqueño finishes in Top 10 of international culinary tilt
Farm to Table: (March 8, 2026) LIVE