ALAMIN: Mga celebrity na naging inspirasyon sa pagbuo ng kanta

Halos dalawang dekada na mula nang unang napakinggan ng publiko ng kanta ng Mayonnaise na "Jopay," na isa sa mga single ng kanilang self-titled debut album.
Dahil sa TikTok, muling sumikat ang "Jopay" nitong mga nakaraang buwan. Ngunit alam niyo ba kung sino ang inspirasyon nito? Siya ay walang iba kung hindi si Jopay Paguia-Zamora, na miyembro noon ng SexBomb Girls.
Sa isang panayam sa frontman ng Mayonnaise na si Monty Macalino, kinuwento niya kung paano niya naisulat ang kantang 'Jopay.' Ayon sa kanya, binuksan niya ang TV nang Holy Week at nakita niya si Jopay na umiiyak.
"Bakit kaya umiiyak 'to? 'Di ba sumasayaw lang 'to? Pumasok sa utak ko, ayoko siyang makitang umiyak, ayoko siyang makitang malungkot. So, gumawa ako ng kanta, ginawa ko talaga 'yung kanta specifically for Jopay ng SexBomb Dancers," pag-amin ni Monty sa isang video ng OG.
Bukod kay Jopay, ilang celebrities at personalidad na rin ang naging inspirasyon ng ilang mga kanta na talagang sumikat.
Kilalanin kung sinu-sino sila sa gallery na ito.









