Alden Richards at Julia Montes movie na 'Five Break-ups and a Romance,' kasado na!

Kumpirmado nang mapapanood ngayong 2023 bilang magka-loveteam ang ABS-CBN's Daytime Drama Queen na si Julia Montes at Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards.
Nito lamang Martes, April 18, 2023, sa B Hotel sa Quezon City, ginanap ang media conference para sa kanilang movie na 'Five Break-ups and a Romance.'
Kasunod nito, naging trending sa social media ang movie reveal ng naturang event.
Silipin ang ilan sa mga naging kaganapan sa mediacon ng kauna-unahang movie na pagtatambalan nina Julia at Alden sa gallery na ito.














