Alden Richards, kinilig sa sinabi ni Heaven Peralejo tungkol sa pagiging direktor niya

GMA Logo Dingdong Dantes, Xian Lim, Gina Alajar and Alden Richards
Sources: dongdantes/IG, xianlimm/IG, ginalajar/IG, aldenrichards02/IG

Photo Inside Page


Photos

Dingdong Dantes, Xian Lim, Gina Alajar and Alden Richards



Nakarating raw kay Alden Richards ang naging pahayag ni Heaven Peralejo tungkol sa kanyang pagiging direktor.

Sa nakaraang panayam ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media kay Heaven, napag-usapan ang ginagawa niyang pelikula kasama si Alden. Ang naturang pelikulang may working title na Out of Order ay ang unang movie project ni Alden bilang isang direktor.

Sabi ni Heaven tungkol sa kanyang co-actor at director, “He's a first-time director pero he knows what he wants. He's really like one of the best directors I've ever had.”

Ikinatuwa naman ni Asia's Multimedia Star ang pahayag ng aktres. Sa katunayan, aniya, “Kinilig ako.”

Halos ganito rin daw ang nagiging reaksiyon niya kapag may tumatawag sa kanyang “direk.”

“Nakakatuwa nga po kapag naririnig ko 'yan,” nakangiting sabi ni Alden.

Ibinahagi ni Alden ang papuri sa dalawang huling direktor na nakatrabaho niya: sina Irene Villamor para sa Five Breakups and a Romance at Nuel Naval para sa Family of Two.

Paglalahad ni Alden, “I saw a lot of pointers from them na minsan mare-realize mo na in directing hindi mo kailangang maging academic about it, e. It's about experience, how you want the project to be seen.”

Kaugnay nito, nagpasalamat din ang Kapuso actor sa mga nakatrabaho niya para sa pelikulang nakatakdang ipalabas sa February 2024.

Aniya, “At the end of the day, it's team work. I'm so blessed to have the best team I can work with this project. Kaya parang hindi na rin ako nahirapan really mount it. Sasabihin ko lang how I want the scene to be shot, this is my vision then, they will work around it na po.”

Tila simula pa lang ito ng career ni Alden bilang isang direktor. Nang tanungin kung ano ang dream project niya bilang direktor, sagot niya, “Gusto ko po talaga gumawa o makapagdirek po ng psycho film.

“Kasi, when I've started directing my first film, parang dun ko na-experience yung kung ano yung nagiging imagination ko kapag nababasa ko yung script, yun talaga ang nangyaayari kapag kinukunan ko na siya. Before po kasi, when I do that [as an actor], some the scenes, medyo hindi po nangyayari kung ano yung vision ko. Pero ngayon, kung ano yung nabasa ko, kung paano ko siya gustong mangyari, nagagawa ko.”

Kaya naman para mas mahasa pa sa bagong trabahong ito, sabi ni Alden, “Pagkatapos po nito, kapag nagka-time ako, baka doon ako pumasok sa film school to gain more knowledge about directing.”

Samantala narito ang ilan pang mga aktor na sinubukan na ring maging direktor:


Dingdong Dantes
Ice Seguerra
Sunshine Dizon
Ricky Rivero
Xian Lim
Fifth Solomon
Gina Alajar
Gab Valenciano
Philip Lazaro
Alden Richards
Bela Padilla

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)