Alessandra De Rossi, hirap tumanggap ng papuri

Hindi na bago para kay Alessandra De Rossi na makatanggap ng parehong papuri at ng pambabatikos dahil sa mga proyektong ginagawa niya. Kaugnay nito, inamin niyang hirap siyang makatanggap ng kahit anumang papuri o bashing mula sa ibang tao.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 8, hindi naiwasan ni King of Talk Boy Abunda na purihin si Alessandra para sa kaniyang mga nagawa sa industriya. Kamakailan lang ay idinerehe niya kasi ang upcoming film na 'Everyone Knows Every Juan,' na ipalalabas na sa mga sinehan simula October 22.
Ngunit nang purihin siya ng batikang host, hindi maganda ang naging reaksyon ng aktres. Kaya naman, komento ni Boy, “Kapag sinasabing you're brilliant laging ganiyan ang reaksyon mo.”
Alamin ang paliwanag ni Alessandra kung bakit hindi siya nakakatanggap ng papuri at bashing sa gallery na ito:









