Alex Gonzaga meets her viral look-alike

Personal nang nakilala ni Alex Gonzaga ang viral look-alike niya sa TikTok na si Dea Shane.
Sa Instagram post ng aktres at vlogger, nag-post si Alex ng ilang larawan nila nang bumisita siya sa pinagtatrabahuhang BPO company ni Dea, isang call center agent.
Biro ng komedyante sa caption, "Si Dea at ang misteryo ng pamilya namin. Kailangan magpaliwanag ng ama ko dahil tila ata kumakalat ang mukha namin. Papiliin ko rin si Mikee (asawa ni Alex) if before or after Belo ang hulma na gusto n'ya".
Nagkita ang dalawa nang magkaroon ng collaboration si Alex at ang BPO company na iQor, kung saan empleyado si Dea, na napanood sa YouTube channel ng una.
Sa nasabing vlog, nag-ala call center agent si Alex para ipakita ang hiring process ng nasabing kompanya sa mga nais mag-apply dito.
Tingnan ang ilang litrato ng pagkikita ni Alex at ng kaniyang look-alike.







