Personal nang nakilala ni Alex Gonzaga ang viral look-alike niya sa TikTok na si Dea Shane.
Sa Instagram post ng aktres at vlogger, nag-post si Alex ng ilang larawan nila nang bumisita siya sa pinagtatrabahuhang BPO company ni Dea, isang call center agent.
Biro ng komedyante sa caption, "Si Dea at ang misteryo ng pamilya namin. Kailangan magpaliwanag ng ama ko dahil tila ata kumakalat ang mukha namin. Papiliin ko rin si Mikee (asawa ni Alex) if before or after Belo ang hulma na gusto n'ya".
Nagkita ang dalawa nang magkaroon ng collaboration si Alex at ang BPO company na iQor, kung saan empleyado si Dea, na napanood sa YouTube channel ng una.
Sa nasabing vlog, nag-ala call center agent si Alex para ipakita ang hiring process ng nasabing kompanya sa mga nais mag-apply dito.
Tingnan ang ilang litrato ng pagkikita ni Alex at ng kaniyang look-alike.
Nagkita na si Alex Gonzaga at ang kaniyang viral look-alike sa TikTok na si Dea Shane.
Nakilala ni Alex Gonzaga si Dea Shane nang bumisita siya sa BPO company na pinagtatrabahuhan ng call center agent.
Tila kahit saang anggulo ay magkahawig ang dalawa.
Nagkaroon ng collaboration si Alex Gonzaga at ang BPO company na pinapasukan ni Dea Shane.
Sa vlog ni Alex Gonzaga, nag-ala call center agent ang komedyante.
Maging ang asawa ni Alex Gonzaga na si Lipa, Batangas vice mayor Mikee Morada ay sumang-ayon na magkamukha ang kaniyang misis at si Dea Shane.
Nag-post din si Alex Gonzaga ng dati niyang larawan na kuha bago ang kaniyang nose job para ipakita ang kanilang resemblance ni Dea Shane.
Naka-relate naman si Alex Gonzaga sa kaniyang look-alike dahil pareho silang nakaranas ng miscarriage.