All the times Ken Chan and Rita Daniela trick us that they are a real couple in 'Ang Dalawang Ikaw'

Intense at maaksyon man ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na 'Ang Dalawang Ikaw,' patuloy pa rin ang pagpapakilig ng mga bida ng serye na sina Ken Chan at Rita Daniela
Third team-up na ito nina Ken at Rita pero nananatili pa rin ang kanilang chemistry, na unang nasaksihan sa drama series na 'My Special Tatay' noong 2018. Sinundan pa ito ng romantic-comedy series na 'One of the Baes' noong 2019.
Sa 'Ang Dalawang Ikaw,' lumalabas bilang mag-asawa sina Ken at Chan bilang sina Nelson and Mia. Ipinakikita rito ang journey ng mag-asawa sa kabila ng sakit ni Nelson na dissociative identity disorder (DID).
Ayon sa kanilang fans at viewers, natural na natural daw silang umarte on-screen kaya mapapagkamalan silang couple in real life.
Ani Ken sa virtual media conference ng 'Ang Dalawang Ikaw,' more than on-screen partners ang relasyon nila ni Rita.
Sabi ng magaling na aktor, "Sa tatlong taon na magkasama kami ni Rita, napanatili namin 'yung relationship namin na malalim kasi mahirap yun, e. Nagkaroon po ako ng mga partners before and hindi naging ganoon 'yung relationship ko with them na sobrang lalim."
Dugtong niyang paliwanag, "Maganda naman 'yung relationship ko sa mga partners ko before, dito kay Rita ko naramdaman 'yung importante ka sa kanya."
Thankful daw si Ken kay Rita dahil isa ito sa mga motivation niya para i-level up pa ang kanyang acting skills.
"Ang dami kong natutunan kay Rita, ang dami niyang ibinibigay sa akin. May nagsabi kasi sa 'kin, para ma-consider ka na isang magaling na aktor is kung magaling ka magbigay at hindi ka selfish sa mga eksena at gano'n si Rita.
"Sa bawat eksena namin binibigyan niya 'ko ng maraming emosyon kaya ko nagagawa 'yung mga eksena ko kaya gano'n siyang klaseng aktres. Hindi siya selfish, very selfless siya pagdating sa mga emotion na binibigay n'ya, kaya swerte kung sino man ang makakaparehas ni Rita."
Para naman kay Rita, ibinibigay lang niya kay Ken kung anong emosyon ang deserve niyang makuha sa kanilang mga eksena.
Sambit ng aktres, "Honestly, kapag nakita kong mukhang sanay si Ken Chan sa part na 'yun, kailangan maging mahusay rin ako kasi nakakahiya sa kanya kasi binibigay niya 'yung 110% niya, e.
“So, nakakahiya kung magbibigay lang ako ng 98 percent, 'di ba? So, I guess 'yun 'yung nagwo-work sa amin."
Ngayong malapit na ang pagtatapos ng kinagiliwang drama sa telebisyon, balikan ang mga larawan nina Ken at Rita bilang mag-asawa sa 'Ang Dalawang Ikaw.'















