Althea Ablan, Prince Clemente binalikan ang kanilang love story

Hindi man inaasahan ang relasyon ng celebrity couple na sina Althea Ablan at Prince Clemente, pinatunayan naman nila na kung nasa tamang tao ka, magiging masaya ka at maganda ang takbo ng buhay mo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, January 9, binalikan nina Althea Ablan at Prince Clemente ang kanilang love story. Pag-amin pa nilang dalawa, noong una, maging sila ay hindi nila inasahan na magkakagusto sa isa't isa.
Ani Prince, “Nu'ng mga times na 'yun, hindi ko siya nakita na parang 'A, okay, type ko 'to.' Kaya parang 'pag nagkikita kami, parang very casual lang, parang, 'Hello po, kamusta? Ingat po.'”
Pag-amin ni Althea, wala rin siyang naramdamang spark mula sa aktor noong mga panahon na iyon. Sa katunayan, sa ikalawang araw ng kanilang two-day taping para sa isang mini series na sila nagkadevelopan.
“Parang nagka-develop lang talaga start ng taping. So meron kaming two days taping so parang second day, du'n kami parang mas na-develop,” sabi ng aktres.
Alamin ang buong love story nina Althea at Prince sa gallery na ito:









