Althea Ablan, umamin na sa estado ng relasyon nila ni Prince Clemente

Kinumpirma ni Althea Ablan ang real score sa pagitan nila ng kapwa niya Sparkle artist na si Prince Clemente nang mag-guest ang aktres sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Martes, January 16, kasama ang kanyang 'Sparkle U: #Soundtrip' co-stars na sina Zephanie at Matthew Uy.
Hindi nakaligtas si Althea sa tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung opisyal na silang magkasintahan ni Prince na sinang-ayunan naman ng 19-year-old teen star.
Sabi pa ni Althea, "I know naman, nakikita naman sa public."
Lantad din ang kanilang sweet photos online at bulgar din ang kanilang paggamit ng kanilang tawagan sa isa't isa na "Moo." Sa katunayan, magkasama pa silang magbakasyon sa Siargao kamakailan.
Tingnan ang iba pang nakakakilig na larawan nina Althea at Prince sa gallery na ito.











