Ama, magiging macho dancer para sa pamilya sa 'Magpakailanman'

Inspirasyon para sa mga amang kumakayod ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Macho Papa Dancer," kuwento ito ni John, isang ama, asawa, at anak na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
Sa murang edad na 17, nagkaroon na ng asawa at anak si John. Pinasok niya ang lahat ng trabaho para buhayin ang kanyang mag-ina.
Pero hindi na sapat ang sahod niya bilang gasoline boy dahil magkakaroon ng malubhang karamdaman ang kanyang anak.
Magkakasakit din ang nanay ni John kaya siya na ang mag-aalaga dito.
Dahil sa sa matinding pangangailangan, tatanggapin ni John ang alok ng kaibigan na maging isang macho dancer.
Anong bagong mga pagsubok ang haharapin ni John sa pinasok niyang trabaho?
Abangan ang brand-new episode na "Macho Papa Dancer," September 6, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






