Anak, buong buhay pinagmamalupitan ng ina sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng ugnayan sa pagitan ng anak at ng kanyang ina ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "My Mother, My Abuser," tungkol ito sa isang babaeng buong buhay na pinagmamalupitan ng sarili niyang ina.
Noong bata pa si Milet, masaya ang kanyang pamilya na binubo ng nanay niyang si Zenaida at tatay niyang si Cornelio.
Pero magbabago ang pakikitungo ni Zenaida kay Milet nang abandunahin sila ni Cornelio.
Naging physically, verbally, at emotionally abusive siya sa kanyang anak.
Mula pagkabata hanggang sa pagtanda ni Milet, hindi nagbago ang pagmamaltrato sa kanya ni Zenaida.
May pag-asa pa bang bumuti ang relasyon ng mag-ina?
Abangan ang brand-new episode na "My Mother, My Abuser," November 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






