Anak, ipinambayad sa droga sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Anak, Kapalit ng Droga

Photo Inside Page


Photos

Anak, Kapalit ng Droga



Kuwento ng buhay na sinira ng droga ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Anak, Kapalit ng Droga," tungkol ito sa binatang si Jayvee at ng mga taong dapat ay nag-aalaga at gumabagay sa kanya pero sa halip, sila pang naglapit sa kanya sa kapahamakan.

Sina Caloy at Elsa ang kinalakihang magulang ni Jayvee. Drug pusher ang mga ito ang nagsisilbi pang drug runner si Jayvee para sa kanila.

Buong akala ni Jayvee, inabandona siya ng nanay ni Diana. Pero nang matunton niya ito, aaminin ni Diana na ipinagpalit niya si Jayvee sa droga noong sanggol pa lamang ito.

Magagawa bang mapatawad ni Jayvee si Diana, pati na sina Caloy at Elsa? Makakalayo kaya siya sa buhay na patuloy na ginugulo ng bawal na gamot?

Abangan ang brand-new episode na "Anak, Kapalit ng Droga," March 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Marco Masa
Epy Quizon
Rita Avila
Sherilyn Reyes
Chanel Latorre
Cheska Fausto
Anak, Kapalit ng Droga

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte