Anak, mag-aalaga ng nanay na drug addict sa 'Magpakailanman'

Masusubukan ang tatag ng isang anak sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Nanay Kong Adik," mapipilitan ang dalagitang si Judie na ipasok sa rehabilitation ang nanay niyang si Precy.
Lulong kasi ito sa droga kaya nagiging mapang-abuso ito sa kanya at sa kanyang kapatid na si Princess.
Nagtatrabaho bilang OFW ang tatay nilang si Daniel, kaya si Judie na muna ang halili sa mga responsibilidad ni Precy sa kanilang tahanan.
Maaayos ba ang relasyon nina Judie at Precy matapos itong ma-rehab?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Nanay Kong Adik: The Judie Anne Picoc Story," October 5, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






