Anak, malayo ang loob sa abusadong ama sa 'Magpakailanman'

Isang special Father's Day presentation ang handog ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Paano Ba Maging Ama?" kuwento ito ng isang abusadong ama at ng anak niyang malayo ang loob sa kanya.
Madalas pagbuhatan ng kamay ni Manuleng ang kanyang pamilya, lalo na ang anak niyang si Jason.
Hinihikayat ni Jason ang nanay niyang si Merly na hiwalayan na ito pero sadyang desidido itong tiisin ang pang-aabuso ng asawa.
Ngayong magiging ama na rin si Jason, matutulad kaya siya kay Manuleng? Posible pa bang maayos ang relasyon ng mag-ama?
Abangan ang brand-new episode at special Father's Day presentation na "Paano Ba Maging Isang Ama?," June 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






