Anak, matchmaker sa separated parents sa 'Regal Studio Presents: Mami and Papi Together'

Para sa buong pamilya ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Mami and Papi Together," susubukan ng isang anak na paglapitin mula ang kanyang separated parents.
Magbu-book ng bakasyon si Amy (Althea Ablan) para sa kanya at sa mga magulang niyang sina Helga (Ara Mina) at Dennis (Eric Fructuoso).
Umaasa si Amy na magkabalikan ang dalawa matapos mag-reunite sa kanilang family vacation.
Pero walang ginawa ang dating mag-asawa kundi magtalo.
Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Mami and Papi Together," August 17, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






