Anak ng celebrities na tatakbo sa midterm elections

Hindi maitatanggi na malaki ang lamang ng celebrities na tatakbo ngayong nalalapit na midterm elections para makapasok sa pulitika dahil sa kanilang popularidad at impluwensiya. At sa nagdaang taon, hindi lang mismong mga artista o celebrities ang tumatkbo dahil maging mga anak o pamilya nila ay nagsimula na ring kumandidato.
Sa pagsisimula ng Commission on Elections (COMELEC) ng pagpasa ng certificate of candidacy o COC noong Martes, October 1, ay kapansin-pansin na ilan sa mga kandidato ay anak ng ilang celebrity at personalidad na papasok pa lang o papasok muli sa mundo ng pulitika.
Kilalanin ang mga anak ng celebrities na first time at muling tatakbo para makabalik sa kanilang posisyon sa pamahalaan sa gallery na ito:









