Anak, tutol sa bagong love life ng ama sa 'Regal Studio Presents: Daughter of the Groom'

Isang touching father daughter story and hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/regal_studio_presents/home/
Masusubok ang bond ng isang tatay at ng kanyang anak sa "Daughter of the Groom."
Biyudo si William (Arthur Solinap) at busy siya sa pagpapatakbo ng kakanin business nila ng kanyang late wife.
Katulong niya sa pagpapatakbo nito ang nag-iisang anak nilang si Janice (Kayla Davies).
Close ang relationship nila ng anak, lalo na matapos mamatay ng kanyang misis.
Pero tila masusubok ito nang bumalik ang isang babae mula sa nakaraan ni William.
Tutol kasi si Janice sa bagong love life ng tatay niya.
Mas pipiliin ba ni William ang kaligayahan ng kanyang puso o ang kaligayahan ng anak na si Janice?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Daughter of the Groom," January 11, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






