Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, nag-bonding sa beach kasama ang mga anak

Ilang larawan ang ini-upload ni Andi Eigenmann sa Instagram na kuha mula sa bakasyon ng kaniyang pamilya.
Kabilang sa mga ito ang family photos, kung saan kasama niya dumayo sa isang beach ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.
Related gallery: Photos that will make you shop Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Mababasa sa caption ng post ni Andi ang makahulugang mga linya na tungkol sa pagmamahal niya sa kaniyang pamilya.
Sulat niya, “Dire ra sa kun hae an malinawon. Hinay hinay, mo hilom ra. Tanan para sa pamilya.”
Sa huling linya na ang ibig sabihin ay “Lahat para sa pamilya,” tila may gustong iparating ang celebrity mom tungkol sa pagpapahalaga sa pamilyang kaniyang kinabibilangan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 45,000 likes ang post ni Andi at mababasa sa comments section na suportado ng ilang netizens ang kaniyang caption.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan lang ang cryptic Instagram post ni Andi tungkol sa umano'y pagtataksil na naranasan niya kung saan na-involve ang babaeng kaibigan ni Philmar na si Pernilla Sjoo.
Kasunod nito, inilahad ni Philmar na nagkaayos na sila ng kaniyang fiancée.
TINGNAN ANG ILAN PANG ADVENTURES NINA ANDI AND PHILMAR SA GALLERY SA IBABA











