Andi Eigenmann's daughter Lilo celebrates birthday in South Korea

Ipinagdiwang kamakailan lang ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo ng kaniyang ika-anim na kaarawan at tinupad nila ang pangarap nitong makapag Korea bilang regalo.
Sa post ni Andi sa kaniyang Instagram account, binahagi niyang nagplano sila ng quick trip sa Korea pagkatapos ng surfing competition ni Philmar.
“As per her request, we planned a quick trip to Seoul after papa's comp to celebrate Lilo's 6th birthday! Everland, Coex, some shopping, food market hits, and some great KBBQ,” caption ni Andi sa kaniyang post.
Kalakip ng kaniyang post ang ilang litrato nila sa Seoul, South Korea kung saan makikitang na-enjoy ng kanilang mga anak ang pagpunta sa bansa.
Tingnan ang pagdiriwang ni Lilo ng kaniyang kaarawan sa South Korea sa gallery na ito:









