Andrea del Rosario, may payong kaibigan kay Regine Tolentino tungkol sa pag-ibig

Isa sa mga hinahangaang celebrity friendships ngayon ay ang pagkakaibigan nina Regine Tolentino at Andrea del Rosario. Para sa marami, kakaiba ang relasyon nila dahil galing umano ang dalawang aktres sa magkaibang mundo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 12, inalam nina Andrea at Regine kung saan nanggaling ang pananaw ng mga tao na galing sila sa magkaibang mundo.
“I don't know where they got that from because we've always been in the same industry for a long time,” sabi ni Andrea.
Paliwanag naman ni Regine, “I think baka lang kasi ikaw, more as a dramatic actress, 'yung kaniyang role right now; and me, maybe more on the dancing side.
Marami ring pinagkakasunduan ang dalawang magkaibigan. Ngunit ang isang bagay na hindi sila magkasundo ay ang tipo nila sa lalaki.
Alamin ang kuwentong pagkakaibigan at pag-ibig nina Regine at Andrea sa gallery na ito:









