Andrea Torres, ano ang pinagkakaabalahan bago ang 'Akusada'?

Matagal nagpahinga si Akusada star Andrea Torres bago ang pagbabalik-telebisyon niya sa Afternoon Prime. Matatandaan na huling napanood ang aktres sa drama series na Love Before Sunrise kung saan nakasama niya sina Dennis Trillo at Bea Alonzo noong 2023.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 24, ibinahagi ni Andrea na nagkaroon din siya ng alinlangan kung makakabalik pa ba siya sa mga teleserye, lalo na at matagal na panahon din ang lumipas mula nang siya'y makita sa telebisyon.
“Kasi hindi mo alam kailan 'yung next, hindi mo rin alam kung saan papunta, kung ano ba 'yung next na i-a-assgin sa'yo,” paliwanag ng aktres.
Ngunit kahit wala siyang bagong proyekto noon, hindi umano nangangahulugan na nagpahinga lang siya. Sa katunayan, naging abala siya sa maraming bagay habang nag-iintay ng bagong proyekto, na dumating din naman nang makuha niya ang role sa Akusada.
Tingnan sa gallery na ito kung ano-anong paghahanda ang ginawa ni Andrea habang naka-break mula sa mga serye:









