Andrea Torres, Richard Yap, other Kapuso stars, dumalo sa 26th Charter Anniversary ng Tarlac City

Dumalo at nakisaya ang ilang Kapuso stars sa naganap na 26th Charter Anniversary ng Tarlac City nitong April 17. Pumunta ang Lilet Matias: Attorney-at-Law stars na sina Jason Abalos, Joaquin Domagoso, at Zonia Mejia; Abot-Kamay na Pangarap star Richard Yap; Sparkle stars Andrea Torres at Kaloy Tingcungco.
Kasama ang Bubble Gang star at komedyanteng si Charize Solomon, ipinagdiwang nila ang charter anniversary, o ang anibersaryo ng pagiging isang siyudad, ng Tarlac.
Tingnan sa gallery na ito kung papaano ipinagdiwang nina Jason, Joaquin, Zonia, Richard, Andrea, Kaloy, at Charize ang 26th Charter Anniversary ng Tarlac kasama ang mga Kapusong Tarlaqueños:















