Ang 'Huling Tapatan' sa 'Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025'

Nasaksihan ang bakbakan ng pinakamababagsik na mga tinig sa “Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025” nitong nakaraang Sabado, April 26, sa It's Showtime.
Itinanghal si Marko Rudio bilang grand champion matapos makakuha ng 96.15% na combined score mula sa online votes at judges' scores.
Nagwagi naman bilang second placer si Ian Manibale, na ang final score ay 92.80%.
Samantala, hinirang si Charizze Arnigo bilang third placer, na may 89.55% bilang final score.
Ang final scores ng Final 3 na nakapasok sa huling round ay 50% mula sa online votes at 50% mula sa scores na ibinigay ng mga hurado.
Kabilang din sa grand finalists na nagpamalas ng kanilang pangmalakasang tinig sina Raven Heyres, Rachel Gabreza, at Ayegee Paredes.
Balikan ang highlights sa naganap na “Huling Tapatan” ng “Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025” sa gallery na ito.















