Kilala si Eric Fructuoso bilang isa sa mga Gwapings, ang teen idol group niya kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Jao Mapa. At bilang isa sa mga pinakagwapong aktor noong '90s, hindi na kataka-taka na maraming na-link sa aktor.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 5, binalikan ni Eric ang ilan sa mga celebrities na na-link sa kaniya.
Kilalanin ang mga babaeng naging parte ng buhay ni Eric sa gallery na ito:
Isa ang comedienne na si Ara Mina sa mga aktres na naging bahagi ng buhay pag-ibig ni Eric. Ayon sa aktor, "very beautiful" noon si Ara.
Pag-amin ni Eric, puppy love lang ang meron sila noon ni Ara at hindi na naging mas malalim pa doon. Pero ngayon, masasabi niyang good friends sila.
Naging bahagi rin si Claudine Barretto ng buhay pag-ibig ni Eric. Ayon sa aktor, parang kaibigan ang turingan nila noon ng aktres, kabilang na ang mga kapatid nito.
Kinumpirma rin ni Eric na si Claudine ang kauna-unahan niyang girlfriend noon.
Naka-date din umano noon ni Eric ang aktres na si Joyce Jimenez.
Isa umano sa mga nagustuhan niya sa aktres ay ang pagiging prangka nito. "Gusto ko sa kaniya, prangka siya kasi 'di ba, lumaki siya sa Amerika, so she speaks her mind talaga," sabi ni Eric.
Na-link din noon kay Eric ang aktres na si Abby Viduya, isa sa mga aktres na naging parte ng pelikula nila noon na 'Gwapings: The First Movie'.
Nilinaw naman ni Eric na hindi naging sila ni Abby. Sa halip, si Jomari lang ang naging boyfriend nito at, kalaunan, naging asawa ng aktor. Pero naging malapit naman silang magkaibigan.
Nadikit din kay Eric ang aktres na si Aubrey Miles. Pag-amin ng aktor, nagustuhan naman nila ang isa't isa, pero hindi lumalim ang kanilang relasyon.
Pagbabahagi ni Eric, mutual understanding o MU lang ang naging relasyon nila ni Aubrey.
Ginulat naman ni Eric ang marami nang sabihin niya sa isang 2023 interview na nagkaroon sila ng relasyon ni Toni Gonzaga.
Ngunit paglilinaw niya sa 'Fast Talk with Boy Abunda', crush-crush lang ang meron siya noon para kay Toni.
Kamakailan lang ay na-link din si Eric sa aktres na si Kim Rodriguez. Lalong lumalim ang mga haka-haka ng netizens sa relasyon nila dahil madalas din silang makitang magkasama.
insert: 14Paglilinaw ng aktor, close friends lang sila ni Kim at sa katunayan, magkalapit lang ang mga bahay kaya madalas silang makita na magkasama.
Pag-amin ni Eric, apat na taon na siyang in a relationship sa kaniyang non-showbiz girlfriend na inilarawan niyang "the best." "She treats me like a king. So she lives like a queen. Kasi alam mo 'yung tradition lalo na dito sa atin na ina-under 'yung lalaki? Hindi pwede 'yung ganu'n, e. Kailangan 'yung lalaki, sabi nga, you have to submit to your guy, 'di ba?" sabi ni Eric