Ang muling pagkikita nina Tolome at Luther "Pambura" Abueva

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.
Sa nakaraang episode ng naturang serye, tumawag si Vito (Roi Vinzon) kay Atty. Loretta Montecillo (Lianne Valentin) para sabihin na iatras ang kanyang kaso dahil kung hindi ay may masamang mangyayari sa kapatid niyang si Lawrence.
Muling nagkrus ang landas nina Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.) at ang dating lider ng malaking sindikato na si Luther “Pambura” Abueva (Michael De Mesa) at napag-usapan ang kanilang naging hidwaan noon.
Lumapit si Atty. Loretta sa pulisya para ipaalam ang tungkol sa pagdakip ni Vito sa kanyang kapatid. Matagumpay na nahuli ni Tolome si Vito matapos mabisto ang scam operation nito at pangba-blackmail kay Atty. Loretta.
Nahuli ni Master Sergeant Pretty Competente (Angel Leighton) na tila may pamilyar na taong kinakausap si Captain Ace Catacutan (Ejay Falcon) at kinunan niya ito ng video para ipaalam kay Major Bartolome.
Bago pa ipakita ni Pretty ang kanyang nakunan na video, nagkaroon ng matinding pagsabog sa kanilang presinto. Humingi ng tulong si Tolome nang makita ang malubhang kalagayan ni Pretty matapos ang nangyaring pagsabog.
Balikan ang matitinding eksena sa nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa ibaba.




