Angel Guardian at Kokoy De Santos, bakit nalasing sa kanilang misyon sa 'Running Man Philippines' season 2?

Handang-handa na ang cast ng 'Running Man Philippines' season two na mapanood ng viewers ang kanilang mga nakakaaliw na misyon sa pagbabalik ng most-watched reality game show on Philippine TV noong 2022.
Pero bago iyan, nakipagkulitan muna sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, at Angel Guardian kay Boy Abunda nang mag-guest sila sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong Miyerkules, April 24.
Bukod sa pagbabahagi ng kanilang experience sa 'Running Man Philippines' season two na kinunan sa South Korea during winter, nagkabukingan din ang runners.
Aminado si Kokoy na naiyak at natakot siya sa ilang misyon dahil takot siya sa heights, tubig, at horror.
Hindi rin niya inaasahan na malalasing siya kasama si Angel Guardian sa isang misyon.
Paliwanag ni Angel, "Sobrang saya no'ng misyon. Hindi po kasi namin in-expect na at one point, iinom kami sa mission tapos hindi namin natapos itong particular mission na ito. Ang ending nalasing kami."
Kahit riot ang bawat misyon, maganda pa rin daw ang samahan nila, ayon kay Mikael.
Aniya, napamahal na siya sa kanyang kapwa runners.
Gayundin si Miguel na bagong pasok sa season two. Kwento niya, "Sabi sa 'kin ni Ysabel (Ortega), tuwing kasama ko daw yung runners, sobrang authentic daw ako makitungo sa kanila. Sa iba, kumbaga, careful ako, conscious ako."
Narito ang iba pang highlights ng panayam ng King of Talk sa runners.





