Sa pagtatapos ng hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, ipinarating ni Angel Guardian ang taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong nagampanan ang karakter ni Deia at nakapasok sa mundo ng Encantadia.
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga taong nagtiwala sa kanya at sa lahat ng bumubuo at sumuporta sa Sang'gre.
Ipinakita rin niya ang ilang behind-the-scenes sa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre. Tingnan sa gallery na ito:
Nagpasalamat si Angel Guardian sa pagkakataon na nagampanan ang karakter ni Sang'gre Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
"Avisala Eshma sa pagtanggap sa akin sa mundo ng Encantadia at bigyan ng pagkakataong gampanan ang karakter ni Deia. Maaring isang proyekto lamang, o karakter, ngunit tumagos at naisapamuhay na," sulat ni Angel.
Hindi madali para kay Angel ang magpaalam sa karakter na binuo at binigyang-buhay niya ng halos tatlong taon. Sabi niya, "Hindi madaling magpaalam, kaya't hayaan mong sabihin ko na lamang na... hanggang sa muli--mahal kong Deia."
Nagpasalamat din si Angel Giardian sa Kapuso Network at sa mga taong nagtiwala sa kanya. Aniya, "Lubos po akong nagpapasalamat sa @gmanetwork , at sa aming mga bosses sa pagtitiwala."
Ipinarating din ni Angel Guardian ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng bumuo at bumubuo ng Encantadia Chronicles: Sang'gre. "Sa lahat ng bumuo at bumubuo ng Encantadia maraming maraming salamat po."
Hindi rin niya nalimutan na pasalamatan ang mga Encantadiks. Sabi ni Angel, "At sa mga encantadiks na sumubaybay mula simula at kumapit hanggang dulo—E correi diu o I love you so much!"
Si Angel Guardian kasama ang kanyang Sang'gre co-stars na sina Faith Da Silva, Bianca Umali, at Kelvin Miranda.
Sa comments section ng post na ito, nakatanggap si Angel Guardian ng mensahe mula sa Sang'gre co-stars na sina Glaiza De Castro, Jon Lucas, Gabby Eigenmann, Vito Gueco. Ani Glaiza, "Ultimate runner na, sanggre pa! Hanep."
Ayon kay Angel Guardian, kuha ang larawan na ito sa kanyang pinakaunang taping day bilang Deia sa Sang'gre. Sulat niya, "Ang umpisa ng lahat."
Ivo live, Encantadia!